HULING PAALAM
-ni MARIA ALEXIA S. EMBATE
Sa aking isipan at gunita
Bumabalik ang mg alaala
Mga alaalang nagbigay ligaya
Ligaya sa puso't kaluluwa.
Kaygandang pagmasdan
Biyayang ating nakamtan
Handog nitong Inang bayan
Bayang ating Sinilangan.
Sa pagsikat ng bagong araw
Bagong pag-asa'y natatanaw
Ngunit sa paglipas ng panahon
Tila ang mga ito'y unti-unti ng nababaon.
Sa pagdating ng mga kastila
Nasan na ang kalayaang ating tinatamasa?
Mga Pilipino ay nakakulong sa iisang hawla
Tanging hangad ay ang tunay na paglaya.
Kung paglaya ang hangad nitong ating bayan
Sa pamamahala ng mga kamay na bakal
Aking ginintuang buhay ay ibubuwis na lamang
Para sa kapakanan ng lahat at kalayaan.
Ngayon ay nasa tamang panahon na
Para ako'y magpaalam sa sariling bayan
Dugo at pawis ko dito'y nananalaytay
Sa lupang tinubuan na aking kinagisnan.
Paalam na aking Inang bayan
Kung tanging buhay ko ang magiging kabayaran
Aking idudusay ito para sa kalayaang ninanais na makamtan
Ng lahat ng tao'y naghahangad sa tunay na kapayapaan.
Sa aking mga huling salita
Wala na akong ibang masasabi pa
Kundi salamat at paalam na
Nais ko lamang kayo na makitang masaya.
Hirap, gutom at pagod ang nararanasan
Ng mga naging api ng ibang bayan
Nais lamang nila ang makalaya
Sa kamay ng mapansamantalang bansa.
Kaya ngayon, pighati at kalungkutan
Ang aking tunay na nararamdaman
Ano ang magiging buhay ng bagong henerasyon
Kung sariling bayan ay nakatali sa maling disposisyon?
Bayang aking minamahal
Sa iyo ay paalam na
Tanging hangad ko lamang
Na makita kayong maginhawa.
Buhay ko sainyo ay idinudulot ko
Ng walang halong anumang pagkalito,
Kung ito ang magiging daan
Hininga ko ay ipapaubaya sa paglaya ng Inang bayan.